Integridad muna

Naniniwala ka ba na ang tamang presidente ay dapat anti-corruption bago ang lahat ng ibang kwalipikasyon?

Basahin ang aming paninindigan ↓

Ang gusto natin

Marami tayong hinahanap sa isang presidente.

Malakas. Tapat. Matalino. May nagagawa. Posible bang makuha natin ang lahat?

Ang kagyat na problema

Korapsyon ay problema ng buong bayan.

May epekto ito sa gastos, serbisyo, at tiwala sa pamahalaan.

Mga ordinaryong Pilipino na naglalakad sa isang lansangan sa takipsilim
Ang korapsyon ay hindi hiwalay sa araw-araw na buhay. Tinataasan nito ang gastos at pinapahina ang serbisyong dapat para sa lahat.

Ang panganib ng pagkasanay

Alam nating malala—pero nasasanay na tayong tawaging “normal.”

Kapag naging normal ang mali, bumababa ang hinihingi nating pamantayan.

Ang minimum requirement

Korapsyon ang sumisira sa bawat mabuting katangian.

Hindi bonus ang integridad. Minimum requirement ito.

Kung kinukunsinti ang korapsyon…

Malakas mamuno

nagagamit ang kapangyarihan para protektahan ang abuso

Matalino

nagagamit ang talino para humanap ng butas at magtago

May nagagawa

napapabilis din ang maling proyekto at pabor sa kakampi

“Tapat” ang imahe

nawawalan ng saysay kung exempted ang pamilya o kaalyado

Kakayahan na walang integridad = kakayahang abusuhin ang kapangyarihan.

Isang palusotnagiging precedentnagiging sistema

Integridad muna. Kapag bumagsak dito,

EKIS.

Pamantayan sa pagboto

Black and white. Walang gray area.

Kung corrupt ka, ekis ka sa akin.

Black and white ang prinsipyo. Ebidensya ang batayan.

Tapat

Kayang dumaan sa pagsusuri ang rekord at pananalapi.

Pantay

Pareho ang patakaran para sa sarili, pamilya, kaibigan, at kalaban.

May pananagutan

Hindi hinaharang ang audit, imbestigasyon, media, at independent watchdogs.

May kakayahan

Ikumpara ang galing at plataporma pagkatapos pumasa sa integridad.

Hindi natin kailangang mamili sa pagitan ng lider na malinis at lider na mahusay. Ang tamang presidente ay tapat, may malasakit, at may kakayahan.

Manatiling nakikilahok

Ang pamantayan ay lumalakas kapag sama-sama natin itong hinihingi.